845 kandidato ang itinuturing ng Commission on Elections (COMELEC) na ‘unopposed candidates’ o mga kandidatong walang makakalaban.
Ayon sa COMELEC, ang kabuuang bilang ng posisyon ay 18,023 para sa lokal sa buong bansaang paglalabanan sa May 9 elections.
Nasa 253 ang paglalabanan sa posisyon sa Kamara De Representantes kung saan 39 na kandidato ang walang makakalaban.
Sa 81 tumatakbo sa pagka-gobernador, siyam ang walang makakaharap habang mula rin sa 81 kumakandidato, 11 sa pagka-bise gobernador ang walang kalaban.
Sa 782 posisyon sa miyembro ng sangguniang panlalawigan, 45 rito ay walang katunggali sa halalan.
1,634 sa pagka-alkalde at bise-alkalde ang maglalaban pero 203 sa mga mayoralty bet at 254 sa mga vice mayoralty bet ang walang makakaharap.
Samantala, sa 13,558 bakanteng puwesto sa city o municipal councilors, 284 ang walang kalaban sa darating na local elections.