NAKAPAGTALA ang Department of Health o DOH ng 838 na bagong kaso ng COVID-19.
Dahil dito, sumampa na sa higit 2.8 milyon (2,831,807) ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa Pilipinas.
Base sa case bulletin ng DOH, nakapagtala rin ito ng 1,217 na bagong recoveries kung kaya’t sumirit na sa 2,766,816 ang bilang ng mga gumaling sa impeksiyon.
Sa kasalukuyan, nasa 16,630 naman ang active cases sa bansa.
Samantala, dahil sa pagpanaw ng 156 na COVID-19 patients ay umakyat na sa 48,361 sa death toll sa buong kapuluan.