Mahigit 800 kabataan edad 12 hanggang 17 ang nabakunahan na ng COVID-19 booster dose.
Batay sa huling datos ng National Vaccination Operations Center (NVOC), nasa 801 indibidwal mula sa A3 priority group o immunocompromised ang nakatanggap na ng booster.
Nabatid na binuksan ng Department of Health (DOH) ang pagbabakuna sa naturang age group na may sakit para tiyakin ang maayos na implementasyon ng roll out nito.