Umabot sa mahigit 800 vape store ang ipinasara ng National Capital Region Police Office (NCRPO) mula Nobyembre 23 hanggang Disyembre 10.
Ayon sa NCRPO, isinara ang naturang mga establisyemento dahil sa kawalan ng permit.
Umabot naman umano sa 98 katao ang naaresto sa paggamit ng vape o e-cigarette sa mga pampublikong lugar.
Ang mga naaresto ay dinadala sa mga police station at inirerekord sa police blotter bago palayain.