Nagsimula nang dumagsa ang mahigit 8,000 Muslim Pinoy pilgrims sa Mecca, ang ika-limang haligi ng Islam at pinakabanal na lugar sa Saudi Arabia.
Kasunod na rin ito nang pagsisimula ng Hajj Pilgrimage ngayong araw na ito para sa pagdiriwang ng Eid al Adha o Feast of Sacrifice kung saan ginugunita ang taos-pusong pagsunod ni Propeta Ibrahim sa kalooban ng Diyos na isakripisyo ang kaniyang anak na si Ishmael.
Ayon kay Consul General Imelda Panolong ng Philippine Consulate sa Jeddah, pinangunahan ni National Commission on Muslim Filipinos Secretary Yasmin Busran-Lao ang Pinoy pilgrims na tumulak pa Mecca.
Mayroon aniyang kasamang medical team ang Pinoy pilgrims para ma monitor ang kalusugan ng mga ito.
Sinabi ni Panolong na ang nasabing bilang ay pinakamalaking bilang ng Pinoy pilgrims na dumating ng Saudi para makiisa sa Hajj pilgrimage.
By Judith Larino