Mahigit sa 80,000 katao pa ang nanatili sa evacuation centers at kanilang mga kaanak matapos ang magkakasunod na lindol sa Mindanao.
Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), nanatili ang 39, 128 evacuees sa mga evacuation center sa Region 11 at 12.
Habang 43, 945 naman ang nanunuluyan sa kanilang mga kaanak.
Nagkaloob na ang ahensiya ng mga food packs, sleeping kits, trapal sa at galon-galong malinis na tubig sa mga biktima ng lindol.