Aabot sa mahigit 80,000 mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na apektado ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic ang natulungan ng pamahalaan.
Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), kabuuang 81, 388 ang nakatanggap ng tulong.
Ilan sa mga OFWs ay nakatanggap ng $200 mula sa AKAP Program, habang ang iba ay pagkain, face mask at gamot mula Philippine Overseas Labor Office.
Namahagi din umano ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ng $200.
Karamihan umano sa mga tumanggap ng tulong na OFWs ay mula sa Middle East, Africa, Europa at ibang bansa sa Asia pacific.