Mahigit 87,000 public utility jeepney (PUJ) drivers sa bansa ang nakatanggap na ng fuel subsidy.
Ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), nasa kabuuang 626,428,800 pesos ang naipamahagi sa mga tsuper sa ilalim ng fuel subsidy program ng Department of Transportation (DOTr) at LTFRB.
Sa ilalim ng naturang programa, bawat PUJ franchise grantees ay makatatanggap ng 7,200 pesos na one time subsidy sa pamamagitan ng Pantawid Pasada Program (PPP) card.
Layon ng programa na matulungan ang mga driver sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis sa bansa. —sa panulat ni Hya Ludivico