Mahigit 9 na pamilya ang nawalan ng tahanan matapos sumiklab ang sunog sa bayan ng Guinayangan sa lalawigan ng Quezon.
Batay sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP) ng Guinayangan, bandang alas dos ng umaga nagsimula ang sunog sa Barangay Poblacion kung saan mabilis na kumalat ito sa magkakadikit na bahay dala ng malakas na hangin.
Bukod sa fire truck ng BFP, rumesponde rin ang pamatay sunog ng bayan ng Calaug, Quezon.
Samantala, wala namang naitalang nasaktan at nasawi sa nangyaring insidente.
Habang inaalam pa ng mga otoridad ang sanhi ng sunog kung saan aabot sa 2.8 milyong halaga ang napinsala sa nangyaring sunog.