Umabot sa 94 na business establishment ang nakitaan ng paglabag ng Bureau of Internal Revenue District Office o BIR RDO 24 Valenzuela City sa ikinasang tax compliance inspection nito ngayong araw sa 2 barangay sa Valenzuela City
Batay sa datos ng BIR RDO 24 mula ito sa kabuuang 592 establisyementong kanilang inispeksyon ngayong araw sa naturang bilang 125 na business establishment ang hindi nakitaan ng paglabag sa pamantayang dapat sundin ng isang negosyo.
Gaya na lamang ng pag iisyu ng resibo, pagpaparehistro sa BIR at pagbabayad ng income, VAT o percentage tax. Kaugnay nito karamihan naman sa mga nagawang paglabag ng mga business establishment ay ang hindi pagpaskil ng kanilang business registration at wala sa lugar ng negosyo ang books of accounts.
Habang mayroon ding ipapasarang negsyo matapos ang inspeksyon dahil sa paglabag. Nabatid na 10am kanina nang simulan ng BIR RDO 24 ang pag iinspeksyon sa mga business establishment sa Barangay Marulas at Karuhatan sa nasabing lungsod