Kinansela ng Lufthansa Airlines ang 930 flights ngayong araw.
Dahil dito apektado ngayon ang mahigit 100,000 pasahero sa Germany.
Kasunod ng 4 na araw na work stoppage ang bagong flight cancellation sa Frankfurt Airport at Hubs sa Munich at Duesseldorf kung saan umabot na sa 2,800 ang kanseladong flights habang 300,000 naman ang apektado.
Humiling na rin ng preliminary injunction ang airline company sa Darmstadt at Düsseldorf Labor Courts na ihinto na ang isang linggong strike ng cabin-crew union.
By Mariboy Ysibido