Umabot na sa higit 9,000 katao ang nasa evacuation center sa rehiyon ng Bicol.
Ayon kay Office of Civil Defense (OCD) Bicol Director Claudio Yucot, nasa higit 6,000 indibidwal pa ang nasa evacuation centers sa Masbate.
Higit 2,000 naman sa probinsya ng Albay.
Samantala, pinayagan na ng Philippine Coast Guard (PCG) na makabiyahe ang nasa higit 9,000 pasahero matapos alisin ng PAGASA ang typhoon signal sa lalawigan.