Mahigit 9,000 mga manok ang ipinamigay ng isang poultry sa Agoncillo, Batangas kasunod ng pag aalburoto ng bulkang Taal.
Ayon kay Agoncillo Councilor Crister de Leon, may ari ng poultry farm, libre niyang ipinamigay ang mga manaok upang mapakinabangan pa ito.
Aniya, sigurado kasing mamatay din ang naturang mga manok sakaling mas lumalala pa ang sitwasyon sa naturang bayan na bahagi ng danger zone ng bulkang Taal.
Samantala, nakuha na rin ng mga may ari ang kanilang mga alagang hayop tulad ng baka, baboy at kabayo na sinasabing ibebenta na lamang ng palugi para kanilang mapakinabangan.