Nasamsam ang hinihinalang high-grade marijuana o kush na nagkakahalaga ng 925,000 pesos, sa isang lalaking sa Parañaque City.
Ito’y matapos isagawa ang controlled delivery ng PDEA Central Luzon, Bureau of Customes Port of Clark, PDEA-NCR, at PNP sa brgy. Don Bosco kung saan nasabat ang ilegal na droga at naaresto ang 25-anyos na suspek.
Ayon sa PDEA, dumating ang package sa port of clark noong Oktubre 24 mula sa California.
Natuklasang may lamang ilegal na gamot ang package nang sumailalim sa X-ray at K9 inspeksyon.
Maliban sa nakumpiskang 588 gramo ng dami ng kush kasama rin sa package ang 45 vape catridge na may lamang marijuana.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa section 4 ng Republic Act 9165 o importation of dangerous drugs.—mula sa panulat ni Maize Aliño-Dayundayon