Aabot sa 90k kabataan ang sinagip ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa mapanganib na pagtatrabaho.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, nakapaloob ito sa layunin ng Philippine Development Plan simula noong 2017 na bawasan ng 30% ang child labor cases sa bansa.
Layunin dito nitong makalikha ng database na magiging basehan sa pagbibigay ng nararapat na serbisyo at intervention sa mga kabataan.
Sa huling datos ng Philippine Statistics Authority, 597K na kabataan ang dumaranas ng child labor na karamihan ay nagtatrabaho sa sektor ng agrikultura.
Sa kasagsagan ng pandemya, tumaas ng 264% ang mga kaso sa bansa ng Online Sex Abuse at Exploitation sa kabataan.
Kabilang ito sa pinakamalalang epekto ng Child Labor na tinukoy ng International Labor Organization.