Aabot na sa 95.39% o katumbas ng 1,654 na barangay sa Region 2 ang idineklarang “drug cleared” ng Regional Oversight Committee on Barangay Drug Clearing ng Philippines Drugs Enforcement Agency (PDEA).
Ayon kay Col. Julio Go, Director ng Isabela Police Provincial Office, halos 100% nang cleared ang lahat ng barangay habang 0.82% ang nananatiling apektado.
Batay sa datos mula Hulyo hanggang Disyembre, mahigit 1,000 mula sa tinatayang 1,700 barangay ang apektado ng iligal na droga sa nabanggit na rehiyon.
Sa mga lalawigang idineklarang drug-cleared, pinaka-marami ang naitala sa Nueva Vizcaya, 94%; Cagayan, 92% at Batanes, 75%. —sa panulat ni Jenn Patrolla