Dalawampung araw bago ang May 9 elections, inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na kanyang igigiit ang “Alunan Doctrine” upang maiwasan ang karahasan.
Sa kanyang Talk to the People, sinabi ni Pangulong Duterte na sa ilalim ng polisiya ay lilimitahan ang bilang ng mga bodyguard ng mga politiko.
Binalaan din ng Pangulo ang mga kandidatong lalabag sa naturang polisiya, lalo ang mga walang permit sa pagdadala ng armas.