Hinikayat ni Senadora Imee Marcos ang publiko at mga nasa gobyerno wag palampasin ang mga umano’y pananamantala ng Grab Philippines sa mga pasahero nito.
Inilabas ng Senadora ang pahayag matapos ulanin ng reklamo ang Grab dahil sa higit dobleng singil sa pamasahe.
Ito ay sa kabila nang pakikipagkasundo sa gobyerno na lilimitahan ang kanilang fare hike sa 22.5% lamang.
Ayon sa Senadora tila sinusubukan ng Grab ang pasensya ng kanilang mga pasahero.
Bukod dito, isinusulong ni Marcos ang senate bill number 409 na naglalayong gawing legal ang operasyon ng motorcycle ride hailing app na Angkas. — ulat mula kay Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)