Sinimulan ng i-relocate ng Task Force Bangon Marawi o TFBM sa mga temporary shelter mula sa mga evacuation center ang nasa 150 pamilya na kabilang sa mga naapektuhan ng limang buwang bakbakan sa lungsod.
Ayon kay Housing Undersecretary Felix Castro Junior, chief ng TFBM field office, inilipat ang mga evacuee sa transitory site sa Barangay Sagonsongan kung saan nasa 150 unit ng temporary shelter ang itinayo.
Pinili ang mga beneficiary at kabilang sa mga nawalan ng bahay dahil sa matinding sagupaan ng mga tropa ng gobyerno at grupong Maute-ISIS.
Samantala, daan-daan pang pamilya sa mga evacuation center ang naghihintay pa ring ma-relocate sa mga temporary shelter.