Umakyat na sa limang daan apatnapu’t anim na milyong piso (P546-M) ang halaga ng iniwang pinsala ng bagyong Urduja.
Ayon kay NDRRMC Spokesperson Romina Marasigan, limang daan apatnapu’t tatlong milyong piso (P543-M) ang danyos sa imprastraktura partikular sa mga lalawigan ng Masbate, Eastern Samar, Leyte, Samar at Compostela Valley.
Samantala, umabot naman sa tatlong milyong piso (P3-M) ang halaga ng pinsala sa agrikultura partikular sa mga nasirang mais at palay sa Masbate, Sorsogon at Camarines Sur.
May mga tulay aniya sa Biliran at Romblon ang hindi pa rin madaanan bagama’t wala naman mga isolated na lugar dahil may mga alternatibo pang ruta.
Dagdag ni Marasigan, patuloy din ang pagbabalik ng suplay ng kuryente sa Biliran, Eastern Samar at Lope de Vega sa Northern Samar.