Tumindi pa ang epekto ng bagyong Falcon (Chan-Hom) matapos mag-landfall sa probinsiya ng Zhejiang sa China.
Mahigit isang milyong residente na ang inilikas mula sa 960,000 sa mga coastal areas bunsod ng bagyo na may bilis na 173 kilometro bawat oras.
Ayon sa Provincial Flood Control and Drought Prevention Headquarters, wala pang casualities na naitala, maliban lang sa apektadong 81,460 hektarya ng pananim.
Nasa 94 kabahayan naman ang bumagsak habang 11,224 mga negosyo ang nagsara dahil sa mga pagbaha.
Wala ring power supply ang tinatayang 200,000 bahay mula sa 139 village sa coastal city ng Ningbo.
Maliban sa libu-libong flights sa China, 100 train services din ang nakansela.
By Mariboy Ysibido