Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos na tututukan at bibigyang prayoridad din ng kanyang administrasyon ang tuloy tuloy na pagpapalakas ng kapabilidad ng Philippine Air Force.
Ayon kay Pang. Marcos, sa ginanap na 75th Anniversary ng Philippines Air Force sa Mabalacat Pampanga, na napakalaki ng responsibilidad ng isang chief executive pagdating sa pagbibigay ng proteksyon sa teritoryo ng bansa, paglaban sa terorismo at pagsugpo sa insurhensya na dulot ng paghahasik ng kaguluhan ng mga komunistang grupo.
Kabilang pa aniya dito ang pagsasagawa ng mga humanitarian assistance at relief operation sa mga lugar na naapektuhan ng kalamidad.
Kaya naman, sinabi ng Pangulo, na napakahalaga na mapalakas ang kapabilidad ng Philippine Air Force lalo na ang pagkakaroon ng mas modernong transport aircraft at helicopter.
Kaugnay nito, pinapurihan din ni PBBM ang mga kawani ng Philippine Airforce na patuloy na tumutupad sa kanilang mga tungkulin para kapakanan ng bawat Pilipino.