Aabot na sa P1.4B tulong ang ipinamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa mga pamilya at indibiduwal na naapektuhan ng bagyong Odette.
Ayon kay DSWD Secretary Rolando Bautista, nakatuon ang pansin ng kagawaran sa pagtiyak na may sapat na pagkain para sa mga biktima ng bagyo hanggang tuluyang makarekober ang mga ito.
Kabilang ang DSWD sa miyembro ng Inter-Agency Task Force on zero hunger na nangunguna mga apektadong lugar upang tiyaking sapat at may maayos na supply ng pagkain tuwing may mga emergency.
Sa pagtaya ng kagawaran, nasa 116K katao ang nananatili sa evacuation centers o nanunuluyan sa mga kaanak at kaibigan simula nang manalasa ang bagyo noong Disyembre.
Kabuuang 3M pamilya o halos 11M katao naman ang apektado sa Bicol Region, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Davao Region, Central Mindanao, Mimaropa at Caraga.