Mahigit isang milyong pisong halaga ng financial assistance ang ipinagkaloob ng Department of Agriculture sa mga magsasaka at mangingisda matapos ang pananalasa ng Bagyong Karding sa bayan ng Polillo, Quezon.
Ayon kay OIC Regional Executive Director Milo Delos Reyes, sa kabila ng mga sakuna ay walang humpay ang pagsuporta ng kagawaran sa paglilingkod upang tiyakin ang produksyon ng pagkain.
Kabilang sa mga naipamahagi ang binhi ng gulay at mais, pataba, soil conditioner, veterinary drugs, materyales na kailangan sa mga nasirang bangka at iba pang mga kagamitan.
Nagmula ang pondo sa rice program, high value crops, corn, livestock ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources. —sa panulat ni Jenn Patrolla