Ipinatupad na ng mga kumpanya ng langis ang mahigit P1.00 taas presyo sa diesel at kerosene ngayong araw.
Epektibo ala-6:00 kaninang umaga, P1.30 ang itinaas sa presyo ng mga kumpanyang Shell, Caltex, Seaoil, Petron at Total sa kanilang diesel at kerosene.
Habang P0.95 lamang ang itinaas ng mga ito sa kada litro ng kanilang gasoline.
Tanging sa gasolina at diesel lamang may pagtaas ang mga kumpanyang Phoenix Petroleum, Eastern Petroleum, PTT Philippines at Unioil sa parehong oras.
Una nang nagtaas sa kanilang gasolina, diesel at kerosene ang kumpanyang Flying V epektibo alas-12:00 kaninang hatinggabi.
Ang nasabing oil price hike ay bunsod ng pagpigil ng mga oil producing countries sa produksyon ng langis dahil sa oversupply.
By Jaymark Dagala