Mahigit P10 bilyong ang nakolekta sa mga miyembro ng Pag-Ibig fund.
Ito ay base sa naitala ng modified Pag-Ibig 2 savings program mula nuong Enero hanggang Mayo ngayong taon.
Sinabi ni Department of Human Settlements and Urban Development Secretary Eduardo Del Rosario, isa ito sa pinakamataas na nakolekta nilang halaga ng ahensya.
Ang naturang MP2 savings progrm, ay mayroong 5 taon na maturity period at minimum savings requirement na nagkakahalagang P500.00.