Mahigit P10 milyong halaga ng mga ari-arian ang natupok sa sunog na naganap sa bayan ng Lala, Lanao del Norte.
Ayon kay Fire Inspector Kenneth Puig, unang sumiklab ang apoy sa isa sa mga pinakamalaking tindahan sa Barangay Maranding kung saan anim na truck ang nagtulong-tulong upang maapula ito.
Wala namang namatay o nasugatan habang inaalam pa ang naging sanhi ng sunog.