Nasabat ng Bureau of Customs (BOC) ang may P118 milyong pisong halaga ng smuggled na Thai rice sa Manila International Container Port o MICP.
Ang nabanggit na Thai rice ay naka-consign sa Calumpit Multi-Purpose Cooperative.
Ayon kay Customs Commissioner Alberto Lina, agad na nagpalabas ng warrant of seizure and detention sa rice importation na ito dahil sa paglabag sa Section 2530 ng Tariff and Customs Code of the Philippines na inamyendahan sa pamamagitan ng Republic Act 7651 at kawalan ng permit mula sa National Food Authority o NFA.
Inirekomenda ng MICP officials na maisalang sa auction proceedings ang mga nasabing smuggled na bigas.
By Meann Tanbio | Aya Yupangco (Patrol 5)