Mahigit P11-M pabuya ang ipinagkaloob ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa 18 confidential informants.
Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, ipinagkaloob ang naturang halaga sa mga informant na naging daan sa pagkakahuli ng mga drug den at malakihang kalakalan ng iligal droga.
Kasama sa mga nabigyan ng pabuya ang informant na itinago pangalang ‘Cardo’ na siyang naging susi sa isinagawang raid sa isang condominium unit sa Pasay City kung saan nakuha ang 91 kilos ng shabu at mahigit dalawang litro ng liquid ecstacy at pagkaaresto ng limang suspek.
Sinabi ni Aquino na ang pagbibigay ng pabuya sa ilalim ng operation private eye ay isang paraan ng paghikayat sa mga mamamayan na magreport ng mga hinihinalang operasyon ng iligal na droga sa mga komunidad.