Aprubado na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mahigit P13.1 bilyon financial assistance para sa mga taga-NCR ga apektado ng Enhanced Community Quarantine mula Agosto 6 hanggang 20.
Ito ang tiniyak ni Presidential Spokesman Harry Roque sa gitna ng tanong ng taumbayan lalo ng mga maaapektuhan ang hanapbuhay kung may aasahan ba silang ayuda.
Mahigit 10.7 milyon na resident ng Metro Manila anya ang makatatanggap ng ECQ ayuda na maaaring hugutin sa Bureau of Treasury.
Ang bawat benepisyaryo ay tatanggap ng P1,000 habang ang isang pamilya ay maaaring makatanggap ng hanggang P4,000.—sa panulat ni Drew Nacino