Gumamit ng milyun-milyong pondo mula sa Disbursement Acceleration Program (DAP) ang 47 mambabatas at isang foundation para sa milk feeding programs mula 2011 hanggang 2014.
Ito ang lumitaw sa 2014 audit report ng Commission on Audit (COA) hinggil sa National Dairy Authority o NDA, subalit hindi nilinaw ng COA kung may paglabag o wala sa pagkaka-release ng naturang pondo.
Ayon sa COA, sinasabing inilabas ng Bureau of the Treasury ang P141.313 million na bahagi ng P213.116 million noong December 31, 2014.
Nilinaw naman ng COA na isinauli na ng National Dairy Authority o NDA sa kaban ng bayan ang P71.803 million na bahagi ng tinanggap nitong pondo sa ilalim ng Disbursement Acceleration Program o DAP.
Matatandaang idineklara nang unconstitutional ng Korte Suprema ang ilang bahagi ng DAP noong isang taon.
By Jelbert Perdez