Sinira ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mahigit P146-M halaga ng tanim na marijuana sa Tinglayan, Kalinga.
Ayon sa PDEA, noong August 13 pa sila nagsimulang sunugin ang marijuana.
Ngunit nagtagal aniya ng tatlong araw ang operasyon dahil sa siyam (9) na plantation sites sa nasabing bundok.
Maliban dito, sinunog din ng PDEA ang humigit kumulang na 25 kilo ng dried marijuana stalks.
Kasalukuyang inaalam pa ng mga otoridad kung sino ang nagmamay-ari o nagtanim ng naturang mga marijuana sa nasabing lugar.