Nasabat ng Bureau of Customs at NAIA-IADITG PDEA ang mahigit P15-M halaga ng iligal na droga sa paliparan.
Natuklasan ito ng mga awtoridad sa FedEx Warehouse sa International Cargo sa NAIA mula sa dalawang parcel galing Malaysia.
Ang naturang mga parcel ay idineklarang mga damit mula sa nagngangalang Alam Persiaran Dato Menteri mula sa Malaysia.
Naka consignee ang isang parcel kay Edmar Blay mula sa San Pedro, Laguna habang ang isa ay kay Janete Acapuco ng Sta. Clara Mcsor Site sa Batangas.
Nasa kamay na ng PDEA-NAIA ang mga nasabat na shabu para sa karagdagang imbestigasyon. —sa ulat ni Raoul Esperas (Patrol 45)