Ginastusan ng mahigit sa P18M ang business uniform set para sa mga opisyal , empleyado at technical delegates ng Southeast Asian Games.
Ang business uniforms ay gawa sa 100% polyester fabric at gawa ng Laurel et Ross Enterprises na pag aari ng fashion designer na si Rajo Laurel.
Napag alamang umabot sa mahigit 2,000 business uniform sets ang binili ng SEA Games organizers at ang presyo ng bawat set ay aabot sa mahigit sa P8,000.
Ang bawat set para sa mga lalake ay binubuo ng beige long sleeved polo, long sleeved barong na burdado ng tatlong bituin, araw at art deco details, long sleeved charcoal gray coat na may bamboo inspired na burda at charcoal gray pants .
Samantala, ang para sa mga babae ay binubuo ng beige short sleeved blouse, isang blazer blouse na may callado inspired na burda at charcoal gray long sleeved blazer na may burda.
Ang mga business uniform sets ay para sa mga opisyal at tauhan ng Phisgoc, SEA Games Council, National Olympic Committee at technical delegates at protocol assistants para sa palaro.