Nasabat ng Bureau of Customs (BOC) ang labingdalawang 40-footer container van na naglalaman ng mga smuggled na asukal mula sa Thailand.
Ayon kay Customs Commissioner Bert Lina, ang mga asukal na ay idinaan sa Hong Kong at idineklarang mga gamit para sa kusina.
Ang kargamento ay mayroong street value na halos P20 milyong piso.
“Nakita natin galing Thailand based on the packaging, nung dumating dito di-neclare ito na kitchen ware, hahanapin talaga namin ang may-ari para kasuhan at ito ay idi-dispose ng naaayon sa batas.” Pahayag ni Lina.
By Katrina Valle | Aya Yupangco (Patrol 5)