Good news para sa mga motorista!
Magpapatupad ngayong Martes ang mga kumpanya ng langis ng bawas-presyo sa produktong petrolyo.
Ayon sa Department of Energy, P2.20 hanggang P2.40 ang inaasahang magiging bawas sa bawat litro ng diesel.
Tatapyasan naman ng P0.90 hanggang P1.10 ang kada litro ng gasolina.
Sinabi ni Industry Management Bureau Director Rino Abad na inaasahan na nila ang napipintong oil price rollback, na ipinatupad dahil sa mahinang demand mula sa top oil importer na China.
Bunsod ng magkakasunod na oil price increase ngayong taon, umabot na sa P18.15 ang itinaas sa presyo ng gasolina, 36 pesos sa diesel at P29.95 sa kerosene.