Aprubado sa Pangulong Rodrigo Duterte ang mahigit sa P2-bilyong pondo para sa pagbili ng personal protective equipment para sa mga health workers.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, mahalaga ito para hindi mahawa at hindi rin makahawa ang mga health workers na front liners sa paglaban sa 2019 novel coronavirus acute respiratory disease (2019 nCoV-ARD).
P1,500 anya ang presyo ng isang set ng personal protective equipment na ipagkakaloob sa may 5,000 health workers sa mga ospital ng pamahalaan.
Batay anya sa kanilang pagtaya, posibleng tumagal ng tatlong buwan ang problema sa 2019 nCoV-ARD kaya’t kailangang protektado ang mga health workers sa kahit anong shift sila maitalaga.
Samantala, naglaan rin anya ang pamahalaan ng mahigit sa P10-milyon para pambili ng face masks na ibibigay naman sa lahat ng pasyente ng mga ospital ng pamahalaan.
Sinabi ni Duque na nais rin ng pangulo na magkaroon ng isang ambulansya na nakalaan lamang sa mga posibleng maging positibo sa 2019 nCoV-ARD.