Mahigit P20-B ang kinakailangang pondo para mabakunahan ang 15-M kabataan sa bansa.
Ito ang inihayag ni Finance Secretary Carlos Dominguez sa isinagawang pgdinig ng Senate Committee of the Whole.
Sa naturang halaga, sinabi ni Dominguez na kinokonsidera nila ang Pfizer vaccine kung saan ito pa lang ang pwedeng maiturok sa 12 taong gulang pataas sa ibang bansa.
Aniya, posibleng magbago pa ang naturang halaga kung pahihintulutan ng mga health experts na maiturok sa mga bata ang iba pang brand ng COVID-19 vaccine.
Ipinabatid naman ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., na bukod sa Pfizer vaccine ay isa rin sa pag-aaralan nila ay ang emergency use authorization (EUA) ng China para magamit sa mga batang nasa tatlo hanggang 17 taong gulang.
Samantala, nabanggit din ni Galvez na nasa final stages na ang pag-aaral sa pagturok ng Moderna vaccine sa edad na 12 hanggang 17 anyos.