Naglaan ang pamahalaan ng P20.8 bilyon sa 2022 national budget para sa pagkuha ng mas marami pang health personnel sa gitna ng pandemya.
Ayon kay House Majority Leader Martin Romualdez, ang P17 bilyon ay gagamitin sa pagkuha ng 26,035 na health professional para sa mga may kulang na pagamutan at P3.8 bilyon naman ang ilalaan para pondohan ang emergency hiring ng 6,810 na Human Resources for Health o HRH.
Ang nasabing alokasyon ay 14% ng kabuuang 395.6 bilyon na pangkalahatang pondo para sa taong 2022.—sa panulat ni Rex Espiritu