Nasabat ng mga otoridad ang kahon-kahong iligal na vape products na nagkakahalaga ng P20 – M malapit sa Baclaran Elementary School.
Nakumpiska ang mga nasabing produkto sa isang establisyementong nagpapanggap bilang isang milktea shop.
Nakulambo ang mga kontrabando sa pangunguna ng mga tauhan ng Department of Trade and Industry at Philippine National Police.
Ayon kay DTI FTEB Director Fhilipp Sawali, lumabag ang naturang establisyemento sa Section 9 ng Republic Act 11900;
Kung saan ipinagbabawal ang pagbebentang mga vape at tobacco products, sa loob ng isandaang metro malapit sa paaralan o anumang lugar na pinamamalagian ng mga menor de edad. – sa panunulat ni Laica Cuevas