Nakumpiska sa isang buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang iligal na droga na nagkakahalaga ng higit P20-M sa Santo Tomas, Batangas, kahapon.
Ayon sa PDEA bago ang paraan ng packaging ng naturang droga kung saan kulay dilaw at may marka ng isda ang mismong plastik na pinaglagyan nito sa halip na tea bags o lalagyan ng tsa-a upang maipadala ito sa Pilipinas mula China.
Ito marahil ang bagong paraan ng grupo ng mga Chinese na tinatawag na Golden Triangle upang maitago ang iligal na droga, dahil by batch ang production nito, dagdag ng PDEA-NCR Regional Director.
Samantala tumanggi namang magbigay ng pahayag ang mga suspek kaugnay sa kasong kinahaharap.—sa panulat ni Agustina Nolasco