Timbog ang isang fire volunteer sa Parañaque City matapos mahulian ng 23,460,000 milyong pisong halaga ng hinihinalang shabu sa isang buy-bust operation sa Balimbing Street, Phase 3, Olivarez Compound, Barangay San Isidro.
Ayon kay Southern Police District (SPD) Director PBGEN Kirby John Craft, kinilala ang suspek na si Jonnie Romo.
Kung saan nakumpiska ang dalawang selyadong medium-sized plastic tea bags na may label na guar yun wang, ₱1,000 buy bust money at iba pang paraphernalia.
Bunsod nito kakaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.