Mahigit P29-M na halaga ng mga hindi rehistradong gamot ang nasabat ng Bureau of Customs-NAIA.
Nakumpiska ng mga otoridad ang anim na shipment na naglalaman ng mahigit 146,000 boxes ng gamot na walang FDA clearance.
Matapos isalang sa Pre-Lodgement Control Order at 100% physical examination, nakitang laman ng mga nasabing shipment mula Hongkong ang kahon kahong traditional chinese medicine na Lianhua Qingwen Jiaonang.
Ayon sa mga otoridad, hindi na mahagilap sa ibinigay na address ang sinasabing consignee ng mga naturang shipment.
Ang nasabing hakbang ay bilang pagpapalakas sa kampanya laban sa pagpasok sa bansa ng mga hindi ligtas, unregistered at hazardous substances. —sa ulat ni Raoul Esperas (Patrol 45)