Nasabat ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA ang mahigit tatlong milyong pisong halaga ng iligal na droga sa isinagawang magkahiwalay na operasyon sa Sorsogon at Legazpi.
Ayon kay PDEA – Bicol Acting Director Christian Frivaldo, nakumpiska nila ang nasa kalahating kilo ng shabu mula sa tatlong suspek na umano’y miyembro ng isang drugs group sa Purok 2 Barangay Pangpang, Sorsogon City noong Miyerkules.
Kinilala ang mga suspek na itinuturing na high value target ng Philippine National Police o PNP na sina John Din Lajada, Armando “Thomas” Cruz at Cristine Joy Woodside.
Samantala, nakumpiska naman ang ilang sachet ng iligal na droga na aabot sa apatnapung (40) gramo kina Bernie Radke alyas “Banono” at Francisco Duka alyas “Junjun” o “Boker” ng barangay sabang, legazpi.
Nakakulong na sa ngayon ang limang suspek na posibleng maharap sa patong – patong na kaso.