Mahigit P3 milyong halaga ng pinaniniwalaang shabu ang nasabat ng mga awtoridad mula sa isang lalaki sa ikinasang buy-bust operation sa Barangay Buray sa Oton, Iloilo.
Kinilala ng Oton Police, ang suspek na si Elmer Niquia, 48 taong gulang, at residente ng Barangay Alalasan sa La Paz, Iloilo City.
Ayon sa pulisya, nabilhan ang suspek ng isang sachet ng hinihinalang shabu sa halagang 20 thousand pesos habang nasa 3.2 million pesos naman ang kabuuang halaga ng droga na nakumpiska mula sa kanya.
Sasampahan ang suspek ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.