Aabot sa P334 billion ang kakailanganin upang maprotektahan ang inang kalikasan.
Ayon sa Biodiversity Management Bureau ng Department of Environment and Natural Resources o DENR, bumuo na ito ng strategy and action plan para sa pangangalaga ng biodiversity at ecosystem services sa bansa.
Giit ng ahensya, gagamitin ang nabanggit na pondo hanggang sa susunod na 13 taon.
Masasaklaw ng serbisyo ang mga kagubatan, baybayin, yamang dagat, at lahat ng mga likas na yaman.
By Jelbert Perdez