Nasabat ng mga otoridad ang mahigit P400,000 halaga ng hinihinalang shabu sa warehouse ng FedEx sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ayon sa Bureau of Customs (BOC) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), ang dalawang parcel na naglalaman ng higit 60-gramo ng hinihinalang shabu ay idineklarang ‘gift puzzle game board’ at ‘puzzle game made of cardboard as a gift’.
Ang nasabing shabu ay galing Amerika at ipadadala sana sa Albay at Cabanatuan City.
Samantala, dahil sa kawalan ng import permit, kinumpiska rin ng mga otoridad ang misdeclared na dalawa pang bote ng methyl ethyl ketone na isang controlled chemical na tinukoy ng PDEA bilang pangunahing sangkap sa paggawa ng shabu.