Pumalo na sa kabuuang 69,716 na ektarya ng palayan ang naisalba sa Cordillera Administrative Region at regions 2, 3, at 4-A dahil sa maagang babala ng agriculture department.
Sa naturang bilang tinatayang aabot ito sa 341,812 metric tons na higit P5-B ang halaga.
Habang sa mga pananim na mais, ay nasa 1,550 na mga ektarya sa regions 1, 2, at 3 ang naisalba na aabot sa P85.62-M ang halaga.
Kasunod nito, tiniyak ng agriculture department na patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga kinauukulang ahensya, mga lokal na pamahalaan at DRRM-related offices sa iba’t-ibang rehiyong napuruhan ng bagyo para malaman ang laki ng pinsala nito.
Gayundin ang pagsuri sa mga posibleng nasari sa sektor ng pangingisda sa bansa.
Sa huli, tiniyak ng agriculture department na sila’y magbibigay ng tulong sa mga naapektuhang mangingisda at magsasaka.