Inihayag ng Malakaniyang ang nakatakdang pagsusumite ng panukalang mahigit P5-T budget para sa taong 2022.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, pinakamalaking budget na paglalaanan ay para sa social services sector kung saan umabot sa P2-T.
Ito aniya ay para matugunan ang pangangailangan sa panahon ng pandemya na katuparan na rin umano ng pangako ni Pangulong Rodrigo Duterte na “walang maiiwan, walang iwanan.”
Ang panukalang budget ay isusumite sa national expenditure program sa Kongreso sa Lunes, Agosto 23, 2021.