Mahigit P6.6-M na halaga ng marijuana ang nasabat sa buy-bust operation sa bayan ng Quezon, Isabela.
Nasakote naman ang suspek na si Bryan Appag habang nakatakas ang kasama nito na hindi pa nakikilala.
Ayon kay PDEA-Provincial Officer Jojo Gayuma, halos 55 kilos ng marijuana na isinilid sa dalawang sako ang nakumpiska mula sa dalawang suspek sa Purok Dos, Barangay Abut.
Umiwas aniya ang mga suspek sa checkpoint sa Tabuk City, Kalinga kaya’t binuhat na lamang ito at dumaan sa kabundukan ng Kalinga at Isabela.
Mahaharap naman si Appag sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. —sa panulat ni Jenn Patrolla